Skip to content
Words Without Borders "stands as a monument to international collaboration and a shared belief in artistic possibility." — 2018 Whiting Literary Magazine Prize Citation
from the November 2019 issue

Birds of Paradise, 1965

Ganito ang pagkapaso sa mga hindi maipahayag na pagnanasa: banal at dilaw,
Katulad nitong tanawin ng papalubog na araw na laging handing tumunaw
Sa ating paningin at dibdib, at may hatid na hapdi ang napapaalam na liwanag
Sa ilalim ng pilik Madalas natuturo tayong manatiling nakapikit, hayaan ang bigat

Ng talukap, magpatangay sa pinipintig na hiling ito ang simula ng bawat panalangin.
Sa isip, ang kawa ng mga ibon, mga bagwis ng hindi matinag na likhang kulimlim,
Tila may sinasagot: ano ba ang hubog ng diyos. Nabubuhay tayo sa pananalig sapagkat
Nakamasid sa atin ang dilim. Halimbawa: ang dagim, ang dala nitong lamig.

Kaya naghahanap tayo ng mga kilalang kamay. O ang mga pamilyar na pagaspas. Sa dilim,
Ang paghigit sa pandama: ang paglagablab ng nakalingkis na palad, ang kaluskos ng mga
Bumabangkang balahibo sa hangin padaong sa maalkitrang pag-iral ng grabedad. Sa
Pagkakadilat, ang nagaganap: umaahon ang kumpol-liwayway

Ng mga umiindayog na pakpak, tinutudla ang mga estrangherong estrelya, bitbit
Ang mahapong init. Limulusaw ng silaw ang kanilang dami’t anino tila mga kuwit
Sa putol-putol na pangungusap ng pagdatal ng mga tala. Maiiwan tayog nahihimbing sa
Alingawngaw ng ilahas nilang pag-awit, dagit-dagit ang lahat ng ating hinihinling.

Read more from the November 2019 issue
Like what you read? Help WWB bring you the best new writing from around the world.