Skip to content
Words Without Borders "stands as a monument to international collaboration and a shared belief in artistic possibility." — 2018 Whiting Literary Magazine Prize Citation
from the November 2019 issue

from "Melismas"

Katawan na itong pinuno ng mga bangungot
pinugaran ng mga dumagat, namumukol
ng mga solidong kabughawan, kung maihihingi
lang sana kita ng bagong hubog, kung kikislap
ka lang sana na parang salita.

Sa gitna ng tatlong matutulis na pulis,
isang rosas na lantay ang kapulahan,
nagniningning ang tulis ng mga tinik.

Awit na nangunguna sa lahat
ng mga awit, nagmumulto ng mga alinsunurang
pagsamba sa mga kampana. Umaalingawngaw
ang pagdating ng magdadamit sa atin ng karangyaan.
Ngunit mainam ba ang panahon? Ano
ang mga dapat nating ihanda?

Mesa karton de-lata letsugas gaheto sopas na may liturhiya
may kutsilyo may sintomas na unti-unti ka nang lumiliit
munting motor munting kalendaryo munting simbolong tunog.

Dahil nagtaasan na naman ang mga tinik,
nasugatan na naman ang mga bata.
At dahil maginhawa ang panahon,
nagsayawan ang mga silid, inihagis
nang walang pakundangan ng mga libro
ang kanilang mga sarili sa sahig.
Sa dakong huli, mainam ang pamumuhay,
madaling natutuyo ang mga sugat
kahit pa maalinsangan. Ang mga alaala,
kuntento na sa pagiging mga larawan sa dingding.

Read more from the November 2019 issue
Like what you read? Help WWB bring you the best new writing from around the world.